Thursday, March 28, 2013

Twelve Random Facts

  1. Gandang ganda ako sa kantang  "Gaano Ko Ikaw Kamahal" ni Celeste Legaspi. Hate ko yung revival ng Itchyworms, parang nababoy saka trying hard e. Yung kay Celeste kasi damang dama ko yung message.
  2. Hindi ako malikot matulog. Kaya kong isustain ang isang position hanggang sa pag gising. Kahit nakabaluktot pa yun. Hehe.
  3. Galit ako sa taong FC (feeling close). Then again, sino bang hindi?
  4. Mas matalas ang short term memory ko vs my long term memory. Feeling ko lang. 
  5. Naging adik ako sa YM/Internet nung highschool. Yung tipong may free softdrinks at footlong na ko courtesy of the shop owner kasi mahina na ang 12 hours sa kin pag nagrent ako ng PC. Lol.
  6. Weakness ko ang cute smile. Yun kasi unang tinitignan ko kapag may crush ako. Pag pangit ang smile, di na ko interested. 
  7. Malakas akong dumighay (burp). Yung tipong mapapatanong ka ng: "San nanggaling yun?!" Eww lang. 
  8. Ask me to play any sports wag lang volleyball. Ewan pero di ako nag-eenjoy masaktan yung arms ko kada tira sa bola. La lang.
  9. Magaling akong manggaya ng pirma. 
  10. Napansin ko lang everytime na nalalasing ako, laging apat na oras lang ang tulog ko. 
  11. Mga 8 beses ko atang nabasa ang Harry Potter and the Deathly Hallows. No joke. 
  12. Hindi ako marunong lumangoy. Pero kaya kong sumisid. What? Hahahahaha.

1 comment:

  1. yah I hate also number 3...........nakaka imbyerna

    ReplyDelete