Gusto kong isiping dala ng alak ang migraine na 'to at hindi dahil sa sumagi ka na naman sa isip ko. Halos mag-iisang buwan na rin sigurong wala tayong komunikasyon sa isa't isa. Ni "ha" ni "ho" 'di natin nagawa. Weren't you the one who unfollow-ed me on Twitter? At magmula noon tinuring ko ng tapos na nga sa'tin ang lahat. Kahit alam kong wala naman talagang "atin" kahit pa nung umpisa.
Nagyaya ng inuman ang kaibigan ko sa opisina. Kahit one-on-one lang daw kami. Hindi na rin ako nakatanggi dahil day-off ko na rin naman kinabukasan. Sinabi ko na lang na susunod ako.
Medyo tipsy na s'ya nung maabutan ko. Mas nauna kasi sya saking lumabas at isang oras ang pagitan ng shift naming dalawa.
Tahimik ako nung una. Nakikinig sa mga halakhak at daldal nya habang umiinom. 'Di ko na matandaan kung paanong biglang napunta ang usapan namin tungkol sa'yo. Tungkol sa "atin". Ibinuhos ko sa kanya lahat lahat ng nararamdaman kong emosyon ng sandaling yun. Ikinuwento ko ulit kung paano tayo nagkakilala, kung paano kitang minahal at kung paanong natapos sa tin ang lahat lahat.
"Eh kung i-drunk text mo kaya s'ya!"
"No way! If there's one thing he can't take away from me, it's my pride."
"'Yan hirap sayo eh, puro ka pride. Akala mo kung sino kang matapang pero sa sinasabi mo ngayon sa'kin halatang di ka pa rin nakaka move-on."
Siguro nga hanggang ngayon hindi ko pa matanggap na napunta lang sa wala ang lahat. Masakit mang tanggapin pero malamang tama nga ang sinabi na 'yon ng kaibigan ko. Na kahit anong klaseng pag-de-deny ang gawin ko, siguro nga hanggang ngayon mahal pa rin kita.
hmmm... that made me think.
ReplyDelete