Wednesday, January 11, 2012

Kaong

Current time: 12:13 P.M.
I will attempt to finish this post in 16 minutes. Time starts now.



Magulo. 'Yan lang ang masasabi ko.

Sa love life,
sa eskwela,
sa work.


Life in general. What  a very nice introduction for my first post for 2012.


1. Love life
Ano yun? Haha. Merong someone pero di ko sigurado yung nararamdaman ko sa kanya. Gaya nga ng sinabi ko sa taas, magulo nga di'ba?
Sa dinami-dami ba naman ng heartaches na pinagdaanan ko masisisi mo bang ma-trauma ang lola nyo? Mukhang nagmamadali sya. Kaso ako gusto baby steps lang. Haha.

2. Eskwela
Ayan naaaaa! Ayoko sanang i-open tong topic na to kaso medyo bothered na 'ko sa nangyayari sa 'kin ngayon. Bigla bigla kasing nawalan ako ng ganang pumasok. Uli. Sa katunayan, 3 subjects ang binabalak kong i-drop. NSTP, PE 4 - Volleyball ('di ko talaga s'ya bet, chinese garter na lang!), at Asian Civ. Ewan, siguro naasar/naooverwhelm ako sa schedule ko ngayong semester. Kung nakayanan ko nga yung 1 buong taon na maging full time pareho sa school at work, ngayon hindi na talaga kinakaya ng katawang lupa ko ang pagod. Siguro nga,tumatanda na ako.

3. Work
May kinalaman to sa no 2. Lilipat na kasi kami ng site. Kung ngayon sa Cubao kami, early February sa Eastwood na. Letse. Wala na nga akong tinutulog e, dadagdagan pa ang effort ko sa pagko-commute!





at syempre 4. PERA!!! Actually, feeling ko yan ang ugat ng lahat ng mga frustrations ko ngayon. Hindi pa kasi ako nakakapagbayad ng tuition sa school. Ni hindi ko naregaluhan mga inaanak ko nung Pasko dahil pinambayad ko lahat ng mga utang ko. Ano ba yaaann, feeling ko tuloy ako si Poorita Mirasol!


O sya, 12:28 na sa orasan. Malelate na ko sa eskwela actually. Ninais ko lang talagang magpalabas este, ilabas tong niloloob ko. Tagal ko rin kasing kinikim to. Sago sago na. :P

2 comments:

  1. oh no! tuloy na tuloy na ang eastwood? tsk, tsk.
    ;(

    ReplyDelete
  2. wish i could send you a personal email
    James in USA

    ReplyDelete