Maniniwala ka bang hanggang ngayon di ko alam kung ano'ng gusto ko sa buhay. Normal ba yun? Ni hindi ko nga alam kung ano ba talaga ang pakiramdam ng ma-inlove eh. Atras-abante ako. Kaya di ko mapigilang minsan e malusaw sa inggit kakatingin sa mga taong (specifically sa mga kapwa ko bading) alam kung sino at ano ang gusto nila. Lalo na pagdating sa usapang puso. Samantalang ako, laging nangangapa sa dilim.
L.O.V.E
Hinihintay ba yun?
O hinahanap?
Pag di mo ba pinansin to, mawawala ng kusa?
Ano ba talagang difference ng love vs infatuation? Cause, most of the time, I happen to mix their definitions. Pag attracted ba ko sa isang guy, dun na ba mag-uumpisa ang love?
I'm attracted to someone and it's been bothering me. Big time. Actually ayokong amining attracted ako sa kanya kasi 'lam ko naman walang patutunguhan yung nararamdaman ko. May boyfriend na sya. But deep inside me, I can feel (oo, feelingera ako) na gusto nya rin ako. Yung mga pasimpleng pagpapacute nya sa kin. Tapik sa (insert any body parts here) dito, tapik doon. Having lunch together. Yosi ng sabay. CR ng sabay (para tumingin sa salamin ha?).
Or am I reading him wrong? Assuming lang talaga ako. Sigh. Takot na ko sa totoo lang, kasi nangyari na sakin to dati. Na attract ako sa bestfriend ko na may boyfriend, hindi ko alam kung san ko hinugot ung lakas ng loob ko nun, pero sinabi ko sa kanya ung feelings ko. At hindi naging maganda ang resulta.
You see it's the reason, why I prefer to be alone. I tend to keep distance from people, especially cute guys. Kasi pag dumarating na sa puntong attracted na ko, bigla akong nabobobo. Bigla biglang nawawala ako sa katinuan. Not that I don't want to entertain this feeling, pero honestly I miss being like this. Nag-eenjoy ako pag nakikita ko sya. Natutuwa ako pag inaasar ko sya. Pero a part of me says, hanggang dun na lang un. Hanggang tingin at pang-aasar lang ang magagawa ko.
I want to know what love is, birit nga ni Mariah.
Dahil kung love nga 'to, malamang susugal ako. Manalo, matalo.